K-12 Curriculum
K-12 Curriculum Ano nga ba ang K-12 curriculum? Ano ano ang positibo at negatibo na epekto nito sa atin? Naging madali ba ang pagpapatupad sa nasabing kurikulum? Ito ba ay isang susi sa pag-unlad ng ating bansa? Lahat ng mga katanungan na ito ay masasagot at tatalakayin natin upang tayo ay malinawan sa kung ano nga ba talaga ang K-12 at anong tunay na layunin nito. Ang K-12 ay isang programa na naglalayon na baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Ito ay pagdadagdag ng dalawang taon sa sampung taon ng kurso. Sa programa na ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkakaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior highschool (11-12). Para sa kaalaman ng lahat, tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon ng basic education sa buong Asya, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ang kagawaran ng Edukasyon ang K-12 kurikulum. Hindi naging madali ang proseso sa pagpapatupad sa nasabing kurikulum, sa kadahilanan na madami ang nagsas