Masakit na Katotohanan
Masakit na Katotohanan Hindi ko alam kung bakit tayo nagtapos ng ganito? Kung Bakit ang dali para sayo na kalimutan ang isang taon na magkasama tayo? Maraming tanong ang gumugulo sa aking isip at gusto kong manggaling lahat mismo sayo ang mga sagot. Nagkulang ba ako? Naging istrikto ba ako? O talagang nagsawa kana lang sa kung ano ang meron tayo at naghanap ka na ng bago? Isa akong karaniwang estudyante noon, malaki ang bag, may suot na eyeglasses,tahimik, may mahaba at kulot na buhok. Palagi ako sa library namin nagbabasa ng mga libro at pagkatapos ng klase diretso uwi agad sa bahay. Mahigpit ang mga magulang ko dahil gusto nilang ituloy ko kung ano ang nasimulan ko noong nasa elementarya pa lang ako. Kaya pinagtutuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral nang hindi madismaya ang aking mga magulang. Maayos ang naging pag-aaral ko noong 1 st year hanggang 3 rd year. Nagsimula lahat ito noong malapit na akong magtapos sa Highschool. Sa apat na