Extra-Judicial Killings
Extra-Judicial Killings
Sa
lahat ng mga nakikinig at mga nanunuod magandang hapon sa ating lahat. Isa
akong simpleng estudyante ng Kolehiyo ng
San Louis, na napili upang magsalita tungkol sa usap-usapan na extrajudicial
killing dito sa ating bansa. Marami ang nagsasabi na nagsimula ito noong umupo
bilang Pangulo ang dating Mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte.
Ang ating Pangulo raw ang may kasalanan kung
bakit maraming inosenteng tao ang namamatay araw-araw, dahil sa krimen at
illegal na droga na kaniyang ipinaglalaban. Bakit siya ang nasisisi sa lahat ng
patayan na lumalaganap dito sa ating bansa? Ang tanong totoo nga ba na mayroong
extrajudicial killings dito sa ating bansang Pilipinas?
Marami
na ang kasong pagpatay dito sa ating bansa. Maraming pamilya ang naghahanap ng
hustisya. Marami ang nagproprotesta at humihingi ng tulong sa pamahalaan. Ang
simbahang Katoliko ay minsan ng nagsalita patungkol sa isyu ng patayan dito sa
Pilipinas.
Sa
ating bansa ay kalat ang mga transaksyon ng droga, kaya ang ating pangulo ay
talagang pinagtutuunan niya ito ng oras at pansin. Sa katunayan, wala ng
pagbabago sa mga balita na napapanuod sa telebesyon, naririnig sa radyo at
nababasa sa dyaryo. Palagi nalang patayan at ang kadalasang biktima nito ay
yaong mga nasasangkot sa droga at ang kapulisan ang idinidiin na may kagagawan
sa mga patayan.
Bilang isang Pilipino hindi ako naniniwala na
may nangyayaring extrajudicial killings dito sa ating bansa. Tulad nga ng
sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na walang extra-judicial
killings (EJK) sa bansa. Ito’y dahil wala naman aniyang capital punishment sa
Pilipinas kung saan nagkakaroon ng judicial killings. Wala sa Saligang Batas
natin ang state-sanction killings kaya ang mga namatay sa giyera kontra sa
illegal na droga ay maaring napatay sa legitimate operations o hindi kaya
pinaslang ng mga taong nasa illegal drug trade.
Kung
napanuod niyo ang binigay na mensahe ng ating panagalawang pangulo na si Leni
Robredo sa United Nation commission na ipapalabas sa Viena Austria ay binatikos
niya ang kampanya kontra sa illegal na droga ng pamahalaan. Sinabi rin niya na
higit sa 7000 na ang namatay mula noong
Hulyo noong nakaraang taon, ngunit sa talaan ng Pnp mahigit 2000 libo
lamang ang napapatay sa lehitimong operasyon at 4099 ang under death
investigation. Dapat bilang isang Pangalawang pangulo ay maging maingat dapat
siya sa pagbitaw ng mga salita. Malaking
epekto ang binigay niyang mensahe sa torismo ng Pilipinas. Pinahiya niya ang
sarili nating bansa. Siniraang puri niya ang kapwa niya Pilipino, ang ating
Pulisya, ang ating Pangulo at higit sa lahat ang ating inang bayan sa isang
internasyonal forum. Binatikos rin siya ng dating United nation general
assembly delegate na si Michael Francis
Acebedo, aniya hindi lang niya pinahiya ang ating bansa kundi lumabag din ito
sa ating batas na gaya ng Public trust and economic sabotage. Sinabi rin ng
ating pangalawang pangulo ang tungkol sa palit ulo, na kung hindi nakuha ng Pnp
ang target na drug lord o yung drug dealer ay yung asawa o kamag-anak ang
kinukuha nila. Pero hindi ganoon ang konsepto ng palit ulo. Sa katunayan, nasa
batas na natin ito. Sa republic act 9165, section 33 nakasaad dito na kung ikaw
ay isang user at sa halip na ikaw ay ikulong dahil nga gumagamit ka ng illegal
na droga ay maaring ipawalang sala ka o bigyan ka ng mas mababang parusa kung
ikaw ay magbibigay ng isang datos upang mahuli ang mas mataas na Drug dealer o
pusher, ito ang konsepto ng palit ulo na sinasabi nila. Sinabi niya na mayroong
extrajudicial killings dito sa ating bansa. Imbes na ipagmalaki dapat niya ang
ating bansa ay ilinagay niya sa alanganin ang sitwasyon ng Pilipinas sa iba
pang mga bansa. Kung saan man niya kinuha ang mga impormasyon na sinabi niya sa
video ay sana kinumpirma muna niya kung tama ba o mali ang mga ito.
Maraming tuloy mga dayuhan ang nagtatanong kung
totoo nga ba ang mga sinabi niya na may extrajudicial killings sa bansang
Pilipinas. Iniisip tuloy ng mga dayuhan na hindi ligtas na puntahan o pasyalan
ang ating bansa. Paano lalakas ang torismo ng bansa kung mismo ang pangalawang
pinakamataas pinuno ng bansa ang parang sumisira sa imahe ng Pilipinas? Hindi
ba dapat siya ang isa sa nagtataguyod at humihikayat na puntahan at bisitahin
ang ating bansa? Bakit imbes na magtulungan tayong mga Pilipino upang maging
maunlad ang ating bansa ay mayroon parin irresponsible at hindi nag iisip sa
kung ano ang magiging epekto nito sa ating mga Pilipino at sa ating bansa. Mabuti nalang marami pa rin ang mga nagmamahal
at totoong nagmamalasakit sa ating bansa at hindi iniisip ang pansariling
kapakanan kundi ang kapakanan ng bawat isa. Ang ating pangulo ay isang simple,
responsible, mahusay, at matapang na tao. Sabi nga niya na kaya niyang ibuhis
ang sariling buhay para sa Pilipinas. Ang administrasyong Duterte ay hindi
nagpapahintulot sa mga pagpatay o sa sinasabi na extra-judicial killings.
Marami ng magagandang nagawa ang ating pangulo ngunit ang nakikita ng media at
ang maka anti-duterte ay ang mga katiwalian at mga hindi magagandang nangyayari
sa ating bayan na isinisisi nila lahat sa ating pangulo. Kung sana
sinusoportahan nalang natin at tinutupad natin ang mga batas ay siguro magiging
tahimik, matiwasay at maunlad ang bansang Pilipinas.
Bago
ko tapusin ang aking talumpati ay mag-iiwan ako sa inyo ng isang kasabihan
“Tanging Tunay na Pilipino lamang ang wagas na nagmamahal sa kapwa Pilipino”
kaya mga mahal kong tagapakinig at mga nanunuod, kung tunay kang Pilipino kaya mong ipagmalaki kung sino ka at saan ka
nanggaling. Maraming salamat at magandang hapon ulit sa ating lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento