Masakit na Katotohanan
Masakit
na Katotohanan
Hindi
ko alam kung bakit tayo nagtapos ng ganito? Kung Bakit ang dali para sayo na
kalimutan ang isang taon na magkasama tayo? Maraming tanong ang gumugulo sa
aking isip at gusto kong manggaling lahat mismo sayo ang mga sagot. Nagkulang
ba ako? Naging istrikto ba ako? O talagang nagsawa kana lang sa kung ano ang
meron tayo at naghanap ka na ng bago?
Isa akong karaniwang estudyante noon, malaki
ang bag, may suot na eyeglasses,tahimik, may mahaba at kulot na buhok. Palagi
ako sa library namin nagbabasa ng mga libro at pagkatapos ng klase diretso uwi
agad sa bahay. Mahigpit ang mga magulang ko dahil gusto
nilang ituloy ko kung ano ang nasimulan ko noong nasa elementarya pa lang ako. Kaya
pinagtutuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral nang hindi madismaya ang aking
mga magulang. Maayos ang naging pag-aaral ko noong 1st year hanggang
3rd year. Nagsimula lahat ito noong malapit na akong magtapos sa
Highschool.
Sa apat na taon ko sa highschool marami na din
akong nakilala at nagkarooon na rin ako ng mga kaibigan. Dati walang gustong
makipag usap sa akin dahil nga ang werdo ko daw at ang jologs ko pa, pero noong
nakilala ko sila Diane nagbago na ang lahat. Hindi na ako nagsusuot nang
eyeglasses, hindi na rin malaki ang bag ko at inayos ko na ang sarili ko. Sila
ang nagsabi sa akin na gawin ko ang mga bagay na ito. Nagulat na lang ako dahil
sa pagbabago ko marami nang pumapansin sa akin. Minsan talaga naiisip ko, paano
nalang kaya kung hindi ko sila nakilala edi hanggang ngayon wala pang pumapansin
sa akin. Natuto akong magsinungaling sa mga magulang ko tulad ng, magpapaalam
ako na may gagawin kaming proyekto o mag grogroup study kami pero ang totoo
mamamasyal kami ng barkada, kakain sa labas o kung minsan ay nag-iinoman. Oo,
natuto na rin akong uminom, hindi ko sinasabi na sila ay masamang impluwensiya
sa akin kasi kung tutuusin isa sila sa mga nagpapasaya sa akin.
Uwian na ng hapon noon at umuulan, sa kamalas
malasan pa hindi ko nadala ang payong ko. Kaya hinintay ko na tumila ang ulan.
Mag gagabi na ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko, binaba niya ang
bintana ng sasakyan, “hatid ka na namin” syempre ako sumakay na ako tatanggi pa
ba ako maggagabi na rin kasi. Sila Diane ang nanghatid sa akin at may kasama
siya, gwapo kaso hindi ko kilala. Habang nasa loob kami ng sasakyan, pinakilala
sa akin ni Diane ang pinsan niyang si Raff. Tinignan niya ako at nginitian “nice
meeting you Khloe.” Nagtataka ako kung bakit alam niya pangalan ko, tinignan ko
si Diane at kinindatan lang ako. Sinagot ko siya “Nice meeting you rin kuya” Kuya? Raff nalang magkasing edad lang naman
tayo.
Ah!
Ganun ba? Tapos tumawa nalang ako. Pagkababa ko nagpasalamat ako kay
Khloe at kay Raff sa paghatid sa akin. Sige, kita nalang tayo bukas sa
school. Sabi ni Diane at umalis na sila ni Raff.
Pagkapasok ko sa bahay
hinihintay ako nila papa. Tinanong kung may problema ba ako? “Ha? Wala naman po akong problema. Bakit n’yo
naman natanong yan papa?” “Pansin
lang kasi naming anak na panay ang labas mo at kung minsan late kang umuuwi”
ani niya. “Madami po kasi kaming mga ginagawa sa school papa” pagsisinungaling
ko naman. At pumasok na ako sa kwarto ko kasi sabi ko madami pa akong gagawin.
Matutulog
na sana ako ng biglang tumunog ang selpon ko. Text galing kay Diane “Khloe
maari daw bang kunin ni Raff ang number mo?” Reneplyan ko siya ng “Bakit daw?
May itatanong ba siya?”
Sinagot naman ito ni
Diane,“makikipagkaibigan lang daw.” At ayon pumayag ako na ibigay kasi
hindi naman masama kasi parang mabait naman siya. Maya-maya may nagtext ulit sa
akin kaso number na lang ito. “Hi
khloe! Si Raff ito, hindi ko na nakuha number mo kanina kasi nahiya ako” “Hello Raff! Bakit ka naman
mahihiya? Salamat pala kanina sa paghatid” Sagot ko sa kaniya. Hanggang humaba
na ang aming kuwentuhan.
Hindi
kami school mate ni Raff pero magkalapit lang ang school namin kaya palagi
siyang pumupunta sa school ko kapag
uwian na ng hapon. Mas malapit na kami sa isa’t isa. Sa katunayan,
hinahatid niya ako minsan sa bahay. Palagi kaming nag uusap sa telepono kaya
madami na akong alam tungkol sa kaniya. Pumupunta rin siya sa bahay pero ang
alam ng mga magulang ko na may tataposin lang kaming school project o kaya may
kukunin siya sa akin pero ang totoo wala naman talaga. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa mga
magulang ko kapag pumupunta siya sa bahay, baka kasi isipin nila na may
relasyon kami. Lumalabas na din kami pero minsan kasama namin sila Diane.
Sa mga araw na ito, unti-unti ko ng napapabayaan ang aking pag-aaral.
Mas nabibigyan ko na kasi ng oras si Raff, palagi na kasi kaming magkasama at
magkausap.
Nagdaan
ang mga araw, linggo at buwan, naglakas loob na siyang tanungin kung maari ba daw
na ligawan ako. Syempre ang akala ko nagbibiro lang siya, kaya tumawa lang ako
pero sa loob-loob ko hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tinanong niya ulit sa akin. Hindi raw siya
nagbibiro, seryoso raw siya sa sinabi niya. Natahimik ako ng ilang minuto, at
saka ko binigay ang aking sagot. Sinabi ko na pag-iisipan ko muna. Hindi naman
siya nagalit, sabi pa nga niya na handa raw siyang maghintay sa kung ano man
ang magiging desisyon ko.
Mabait naman
si Raff at nag-aaral rin naman siya ng maigi, hindi naman siguro masama kung
magpapaligaw ako sa kaniya. Ngunit ang tanong, kilala ko na ba ng lubusan si Raff? Marami ang nagsasabi na
gumagamit siya ng illegal na droga. Natatakot naman ako na tanungin siya
hinggil dito at baka kung ano pa ang masabi niya sakin, gusto ko na magkusa
siya na aminin ito sa akin. Kung totoo ba ang mga naririnig ko tungkol sa
kaniya. Pero pagtitignan mo siya parang hindi naman siya gumagamit kasi maayos
at matino naman siya kapag magkasama kami.
Nagbago
ako sa kaniya dahil narin sa mga nababalitaan ko at napansin naman niya ito.
Nagtanong siya kung may problema ba ako at hindi ko napigilan ang sarili
ko. Sa una parang nahihiya pa
siyang umamin pero noong tumatagal na ang aming pag uusap inamin na niya na
gumagamit siya pero pinipilit na raw niya na tanggalin ito. Ipinapaintindi niya
sa akin kung bakit hindi niya nasabi ito ng mas maaga kasi baka daw magbago ang
tingin ko sa kaniya at layuan ko siya. Habang
nagpapaliwanag siya nagsalita ako, “papayagan kita na ligawan ako basta titigilan mo na ang paggamit.
” Bigla niya
akong niyakap at sabay sabi “Oo, gagawin ko talaga. Maraming salamat Khloe.”
Hindi ko alam kung bakit naiyak ako noong yinayakap niya ako.
Sa
limang buwan na panliligaw niya, sinagot ko na siya. Sobrang saya naming noong araw na yon. Nakikita ko na rin yung pagbabago
niya, wala na rin mga isyu na kumakalat na gumagamit pa siya. Sobrang mahal na
mahal ko siya, nagkakaintindihan kami sa lahat ng bagay at pinapakinggan namin ang isa’t isa. Ang dami na naming plano sa buhay
na gusto naming tuparin ng magkasama. Yung pakiramdam na parang kayo talaga
yung itinadhana. Sa
araw-araw na magkasama kami parang liniligawan parin niya ako kasi sobra
maalaga niya, palagi niya ako pinapasaya at sinusurpresa sa bawat pagkikita
namin.
Pero
hindi talaga mawawala ang pag-aaway sa isang relasyon. Kagaya noong
nalaman ng mga magulang ko na may boypren ako at bumaba ang grado ko. Sobrang
pinagalitan nila ako kasi ang bata ko pa daw para pumasok sa isang relasyon at
bakit daw pinabayaan kong bumaba ang grades ko. Grounded ako ng ilang weeks, kaya hindi kami nakapagkita at nakapag-usap
ni Raff. Hindi ko din naman sila
masisisi kung bakit nila ginawa yun. Bumawi ako sa school kaya hindi ko na nabibigyan ng oras si Raff. Noong una naiintindihan pa niya kung bakit
hindi na kami masyadong nagkikita at nakakapag-usap pero noong tumagal
nararamdaman ko na parang may nagbabago na sa relasyon namin. Hindi ko alam kung ano pero alam ko na
nagbago na siya. Hindi na siya tulad ng dati. Parang ayos nalang sa kaniya na kahit hindi na kami nagkakasama, kaya minabuti kong tanungin siya kung may problema ba? Pero sabi naman niya na ayos lang naman ang lahat. Kaya hindi na ako nagtanong pa. Ilang araw na lang ay mag-iisang taon na kami kaya naghahanda ako para dito.
Gusto ko na maging espesyal ito para sa aming dalawa.
Kumain
kami sa labas at nanood kami ng sine. Pero bakit ang tahimik niya at hindi ko
makita sa mga mata niya na masaya siya. Habang pauwi na kami hininto niya ang sasakyan, walang nagsasalita sa aming dalawa ng biglang sinabi niya na ayaw na
daw niya. Sinagot ko naman siya “tumigil ka nga Raff hindi magandang biro yan.”
habang nakangiti ako hanggang sa inulit niya ulit na sinabi na ayaw na talaga
niya at seryoso siya dito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ngunit
hindi man lang niya ako matignan. Tinanong ko kung ano ang rason kung bakit
nakikipaghiwalay siya pero hindi niya ako sinasagot, ang nasabi nalang niya
kalimutan ko nalang kung ano man yung napagsamahan namin. Irespeto ko nalang
daw kung ano ang naging desisyon niya kaya hindi na ako nagsalita hanggang sa
maihatid na niya ako.
Ilang
araw na hindi ako pumasok kasi nagkasakit ako, wala kasi akong ganang kumain at
hindi ako makatulog sa gabi kakaiyak. Kinausap na rin ako ng aking mga magulang,
pinagsabihan ulit nila ako pero sa maayos na paraan. Sabi nila na bata pa daw
ako marami pa akong makikilala at mag-aral nalang muna daw ako kasi hindi naman minamadali yan, kusa raw itong dumadating. Naliwanagan ako sa mga sinabi
sa akin ng aking mga magulang. Kaya itinuon ko lahat ng oras ko sa
pag-aaral, ginawa kong busy ang sarili ko upang makalimutan ko siya. Naging
epektibo naman ito sa una pero hindi ko talaga maiwasan na isipin parin siya
kasi may pinagsamahan din naman kami kahit papaano.
Magtatapos
na kami ng Highschool ng bigla kong nalaman na bumalik sa dati si Raff.
Nagbibisyo na ulit siya at lahat ng mga maling ginagawa niya dati ay ginagawa
na niya ulit ngayon. Gusto ko man na pagsabihan siya o kausapin siya pero
naisip ko na wala ako sa lugar, kasi sino ba naman ako sa kanya at isa pa hindi
na ako parte ng mundo niya. Kung ano ang nagpapasaya at kung ano ang gusto niya
hindi na ako dapat nakikiaalam. Hanggang
sa wala na akong balita sa kung asan siya at ano na ang nangyayari sa kaniya.
Nasa
2nd year college na ako ngayon, pero naiisip ko parin siya. Hindi sa
kadahilanang mahal ko pa siya at gusto kong magkabalikan kami. Gusto ko lang
maliwanagan at masagot ang aking mga tanong kung bakit naghiwalay kami ng ganoon
kadali sa kaniya. Gusto kong malaman ang mga rason niya, kahit masakitan pa ako tatanggapin ko ng buong puso dahil yun ang naging desisyon niya at wala na akong magagawa pa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento