PAGLAYA

PAGLAYA

Lahat ibinigay, sayo aking sinta,
masayang samahang nagwakas sa wala.
Pagmamahalan natin ay binalewala,
kaya ako ngayon nasadlak sa luha.


Mahirap sa una ang ika'y limutin,
sakit at pighating ramdam ng damdamin.
Napakong pangako aking tutuparin,
sa karapatdapat na para sa akin.


Oras ko'y tinuon sarili't pamilya,
upang nakaraan lubusang mawala.
Sa aking pagbangon nawa'y di madapa
at ang hiling ko ay walang hangganang saya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

K-12 Curriculum

Ang aking Kuya

Extra-Judicial Killings