PANANDALIAN

PANANDALIAN

Mga taong tapat,
na di mag-iisip na ikaw ay saktan.
Pagsasamahan n'yo dapat pag-ingatan,
kaya dapat sila ay pakitunguhan,
upang sa huli ay di ka nila iwan.


Magandang samahang mabilis nabuo,
kaya tiwala ko'y naibigay sa inyo.
Ngunit kayo pala'y isang manloloko.
Nagbago ang lahat,
ang ngiti't halakhak ay biglang naglaho.


Huli na ang lahat.
Salamat sa galak at alaala,
saa lahat ng araw na magkakasama.
Mayroong hangganan ang pagtitiwala.
ang aking pagbitaw ay aking paglaya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

K-12 Curriculum

Ang aking Kuya

Extra-Judicial Killings