Mga Post

PAGLAYA

PAGLAYA Lahat ibinigay, sayo aking sinta, masayang samahang nagwakas sa wala. Pagmamahalan natin ay binalewala, kaya ako ngayon nasadlak sa luha. Mahirap sa una ang ika'y limutin, sakit at pighating ramdam ng damdamin. Napakong pangako aking tutuparin, sa karapatdapat na para sa akin. Oras ko'y tinuon sarili't pamilya, upang nakaraan lubusang mawala. Sa aking pagbangon nawa'y di madapa at ang hiling ko ay walang hangganang saya.

PANANDALIAN

PANANDALIAN Mga taong tapat, na di mag-iisip na ikaw ay saktan. Pagsasamahan n'yo dapat pag-ingatan, kaya dapat sila ay pakitunguhan, upang sa huli ay di ka nila iwan. Magandang samahang mabilis nabuo, kaya tiwala ko'y naibigay sa inyo. Ngunit kayo pala'y isang manloloko. Nagbago ang lahat, ang ngiti't halakhak ay biglang naglaho. Huli na ang lahat. Salamat sa galak at alaala, saa lahat ng araw na magkakasama. Mayroong hangganan ang pagtitiwala. ang aking pagbitaw ay aking paglaya.

Masakit na Katotohanan

Imahe
Masakit na Katotohanan                        Hindi ko alam kung bakit tayo nagtapos ng ganito? Kung Bakit ang dali para sayo na kalimutan ang isang taon na magkasama tayo? Maraming tanong ang gumugulo sa aking isip at gusto kong manggaling lahat mismo sayo ang mga sagot. Nagkulang ba ako? Naging istrikto ba ako? O talagang nagsawa kana lang sa kung ano ang meron tayo at naghanap ka na ng bago?   Isa akong karaniwang estudyante noon, malaki ang bag, may suot na eyeglasses,tahimik, may mahaba at kulot na buhok. Palagi ako sa library namin nagbabasa ng mga libro at pagkatapos ng klase diretso uwi agad sa bahay. Mahigpit ang mga magulang ko dahil gusto nilang ituloy ko kung ano ang nasimulan ko noong nasa elementarya pa lang ako. Kaya pinagtutuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral nang hindi madismaya ang aking mga magulang. Maayos ang naging pag-aaral ko noong 1 st year hanggang 3 rd year. Nagsimula lahat ito noong malapit na akong magtapos sa Highschool.  Sa apat na

Extra-Judicial Killings

 Extra-Judicial Killings Sa lahat ng mga nakikinig at mga nanunuod magandang hapon sa ating lahat. Isa akong simpleng  estudyante ng Kolehiyo ng San Louis, na napili upang magsalita tungkol sa usap-usapan na extrajudicial killing dito sa ating bansa. Marami ang nagsasabi na nagsimula ito noong umupo bilang Pangulo ang dating Mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte.  Ang ating Pangulo raw ang may kasalanan kung bakit maraming inosenteng tao ang namamatay araw-araw, dahil sa krimen at illegal na droga na kaniyang ipinaglalaban. Bakit siya ang nasisisi sa lahat ng patayan na lumalaganap dito sa ating bansa? Ang tanong totoo nga ba na mayroong extrajudicial killings dito sa ating bansang Pilipinas? Marami na ang kasong pagpatay dito sa ating bansa. Maraming pamilya ang naghahanap ng hustisya. Marami ang nagproprotesta at humihingi ng tulong sa pamahalaan. Ang simbahang Katoliko ay minsan ng nagsalita patungkol sa isyu ng patayan dito sa Pilipinas. Sa ating bansa ay kalat ang mga tr

K-12 Curriculum

K-12 Curriculum Ano nga ba ang K-12 curriculum? Ano ano ang positibo at negatibo na epekto nito sa atin? Naging madali ba ang pagpapatupad sa nasabing kurikulum? Ito ba ay isang susi sa pag-unlad ng ating bansa? Lahat ng mga katanungan na ito ay masasagot at tatalakayin natin upang tayo ay malinawan sa kung ano nga ba talaga ang K-12 at anong tunay na layunin nito. Ang K-12 ay isang programa na naglalayon na baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Ito ay pagdadagdag ng dalawang taon sa sampung taon ng kurso. Sa programa na ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkakaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior highschool (11-12). Para sa kaalaman ng lahat, tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon ng basic education sa buong Asya, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ang kagawaran ng Edukasyon ang K-12 kurikulum. Hindi naging madali ang proseso sa pagpapatupad sa nasabing kurikulum, sa kadahilanan na madami ang nagsas

Ang aking Kuya

Imahe
  M alaki ang aming bahay, may tatlo kaming magagarang sasakyan, ang isa ay sa amin ng aking kapatid na si Ramon at ang dalawa ay ginagamit ng aming mga magulang sa pagpunta sa kani-kanilang trabaho. Nabibigay lahat ng kahit na anong gustuhin namin tulad ng sapatos, damit, bagong selpon at iba pa. Sa katunayan ay may-ari ang aming ama ng isang kompanya at ang aming ina naman ay isang doktor, kaya hindi ko maitatanggi na kami ay mayaman.   Ngayon ay araw ng Linggo, kaya magsisimba kami ni kuya Ramon. Nakasanayan na kasi namin na sa tuwing sasapit ang Linggo Kami ay pumupunta sa simbahan upang magpasalamat.    Nandito kami ngayon sa Ramen's House, palagi akong dinadala ni Kuya dito dahil alam niya na paborito ko ang Ramen. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami.      Kinabukasan, Lunes, may pasok kami ni Kuya. Siya ay graduating na sa kursong engineering at 2 nd year college pa lang ako sa nursing. Ayaw na ayaw ni Kuya na umuuwi ako mag-isa sa kadahilanang baka may mangyari s